I love talagang gumawa ng mga kalechehan, basta kung ano makitang uso sa TV at sa mga Store na pang Crafts binibili ko, kaya tuloy napupuno ang bahay ko ng mga abubot.

Ito pa-sewing sewing ako minsan pag-naisipan. Panay bili ng mga iba't-ibang klaseng Tela, Pens (Special Pen for Textil, Candle, Wood and Metal), Paints (Gallery Glas Window Color Paint, Silk Paint, Acryl Paint, etc....), Papers, Magazines, Books, Pattern and a lot of Stuff. Sa madaling salita ang dami ko nang nasayang na pera, buwisit talaga, kaya pala nauubusan ako ng pera, ibenta ko kaya tong mga abubot ko, i-advertise ko sa eBay, dami pa namang mga nanay dito sa Germany na mahilig ding gumawa ng mga kalechehan.

Basta madami na akong abubot dito sa bahay namin, di ko na alam kung ano ang uunahin ko, teka tigilan ko kaya muna ang mag-chat at mag-trivia? para may time ako sa mga abubot ko, pag-iisipan ko muna....to be continued ang sagot.

Kaya pag makita mo ako sa IRC, ibig sabihin 'non tinamad na naman akong mag-abubot, hehehehehe.

 
Drawing
Ito naman ang 2 favorite kong drawing para sa mga tsikiting ko, sumakit kamay ko nyan sa kakadrawing at sa kaka-erase.
   
Window Color
   
   
Woodenspoon
   
Made with Clay
Napkin/Tissue Holder
   
Schlafzimmer = Bed Room
   
Modelling Clay
 
Si bunso gumawa nung rose na may small leaves.
 
Tin Cans and Metal Pens
I Draw Thomas the Tank Engine sa lata.
 
It was a plain Metal Bottle, bago ko nadrawingan.
 
Santa Claus na gawa sa Thin Can
 
Sewing
Mga abubot na sewing ko tuwing nabubuwisit ako. Dinadaan ko na lang sa sewing at iba pa.
   
   
Idea ko yan at ako nag-drawing, pero nanay ko ang nagtahe. Daya ko no? Hehehehe
   
Nanay's abubot
Ito naman yung mga abubot na nagawa ng nanay ko habang nandito siya sa Germany. Ang galeng nya no? Di ako matuto :-)
   
   
   
   
Manggas yan ng pang-tulog ko, pina-tanggal ko, tinahe niya, ayan naging pants ni bunso tuloy.